Tsina, pagkondena sa resolusyon ng Mababang Kapulungan ng Amerika hinggil sa lobo

2023-02-16 15:58:43  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Pebrero 16, 2023 ng Foreign Affairs Committee ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang matinding kondemnasyon at pagtutol sa resolusyon ng Mababang Kapulungan ng Amerika hinggil sa kondemnasyon sa pagpasok ng lobo ng Tsina sa teritoryong panghimpapawid ng Amerika.


Anang pahayag ng NPC na ang resolusyon ng Amerika ay “malicious hype” at “political manipulation”.


Ipinahayag ng NPC na ang pagpasok ng lobong pansibilyan ng Tsina sa teritoryo ng Amerika ay isang koinsidente at walang anumang banta sa tauhan at seguridad ng bansang ito.


Ayon din sa pahayag ng NPC, agarang inilahad ng Tsina ang impormasyon sa Amerika at komunidad ng daigdig pagkatapos ng pagpasok ng lobo ng Tsina sa Amerika.


Hinimok ng NPC ang Mababang Kapulungan ng Amerika na igalang ang katotohanan, diwa ng pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, at itigil ang aksyon ng pagkasira sa imahe ng Tsina at pagpapaigting ng tensyon ng insidenteng ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil