MOFA: Dapat ipaliwanag ng Amerika ang isyu ng “lobo” sa Tsina at komunidad ng daigdig

2023-02-16 16:00:30  CMG
Share with:

 

Sinabi Miyerkules, Pebrero 15, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na mula noong Mayo ng taong 2022, naglunsad ang Amerika ng maraming high-altitude balloons para makaikot sa mundo. Ang ilan sa mga ito ay iligal na tumawid nang mahigit 10 beses sa teritoryong panghimpapawid ng Tsina na gaya ng Xinjiang at Tibet.

 

Dagdag pa ni Wang, ang pagpalipad ng mga lobo ng Amerika sa teritoryong panghimpapawid ng Tsina ay hindi naaprubahan ng mga may kinalamang departamento ng Tsina.

 

Hinimok ni Wang na dapat ipaliwanag ng Amerika ang pagpasok ng mga lobo nito sa teritoryong panghimpapawid ng Tsina.

 

Sinabi niyang dapat itigil ng Amerika ang pag-atake at pagdudungis sa Tsina at pagliligaw ng pananaw ng mga mamamayang Amerikano at komunidad ng daigdig patungo sa maling direksyon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil