Pananaw ni Xi sa yamang kultural ng Tsina: Episode 3 – Pag-uwi ng pambansang kayamanan

2023-02-16 16:36:52  CRI
Share with:


Ang mga relikya at pamanang kultural ay sumisimbolo ng diwa at ugat ng nasyong Tsino. Ang mga ito ay non-renewable at di-mahahalinhang yaman ng sibilisasyon ng Tsina.

 

Lubos na pinahahalagahan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na pinamumunuan ni Xi Jinping ang gawain ng paghingi at pagpapabalik ng mga dinambong na relikyang kultural.

 

Sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, nilagdaan ng Tsina, kasama ng 24 na bansa, ang bilateral na kasunduan tungkol dito, at itinayo ang mga mekanismong pangkooperasyon.

 

Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 1,800 relikyang kultural ang ibinalik na sa bansa.


Salin: Vera

 

Pulido: Ramil