Dalawang kompanyang Amerikano, inilagay ng Tsina sa listahan ng unreliable entities

2023-02-17 16:26:32  CMG
Share with:

Inanunsyo, Pebrero 16, 2023, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina (MOC), na inilagay nito sa listahan ng unreliable entities ang Lockheed Martin Corporation at Raytheon Missiles & Defense Corporation, dalawang kompanyang Amerikanong sangkot sa pagbebenta ng sandata sa Taiwan.

 

Ayon sa MOC, ipinagbabawal magsagawa ng anumang pagluluwas at pag-aangkat na may-kaugnayan sa Tsina ang nasabing mga kompanya, at hindi rin sila papayagang mag-renew ng kanilang pamumuhunan sa bansa.

Maliban diyan, bawal din ang matataas na manedyer ng dalawang kompanya na pumasok sa Tsina, at ang kanilang mga permiso sa trabaho, at permiso upang manatili sa Tsina ay tatanggihan o babawiin.

Pagmumultahin din ang Lockheed Martin Corporation at Raytheon Missiles & Defense Corporation, anang MOC.

 

Nagsimulang ipatupad kahapon ang nasabing mga hakbang, matapos ang anunsyo.


Ipinakilala noong Setyembre 2020, layon ng mekanismo ng Unreliable Entity List na protektahan ang pambansang soberanya, seguridad at interes sa pag-unlad, at iba, ayon sa batas ng pakikipagnegosyo sa dayuhang bansa at pambansang batas sa seguridad ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio