Pagsabog ng Nord Stream, dapat imbestigahan - Tsina

2023-02-17 08:24:59  CMG
Share with:

 

Ipinahayag, Huwebes, Pebrero 16, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na dapat isagawa ang obdiyektibo, makatarungan at propesyonal na imbestigasyon sa insidente ng pagsabog sa tubo ng Nord Stream, at panagutin ang sinumang responsable.

 

Ani Wang, ang mga tubo ng Nord Stream ay mahalagang transnasyonal na estruktura, at ang pagsabog nito ay nagdulot ng malubhang negatibong epekto sa pandaigdigang merkado ng enerhiya at kapaligirang ekolohikal.

 

Dahil sa naturang insidente, nababahala ang komunidad ng daigdig sa seguridad ng mahahalagang transnasyonal na imprastruktura, dagdag ni Wang.


Salin:Ernest

Pulido: Rhio