Embahador Tsino sa Pilipinas at hepe ng AFP, nagtagpo

2023-02-17 10:48:14  CMG
Share with:

Inihayag ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, na nagtagpo Miyerkules, Pebrero 15, 2023 sa Camp Aguinaldo, Quezon City, sina Embahador Huang Xilian at Heneral Andres Centino, Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), para talakayin ang pagsasakatuparan ng mga komong palagay ng mga pangulo ng dalawang bansa, pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungan sa larangang militar at maayos na hawakan at kontrolin ang hidwaang pandagat.


Ipinahayag ni Huang, na sa katatapos na pagdalaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) sa Tsina, narating niya at Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mahalagang komong palagay hinggil sa maayos na paghawak sa hidwaan sa South China Sea (SCS) na gaya ng pagpapalakas ng mekanismo ng diyalogo, paglutas sa hidwaan sa mapayapang paraan, at aktibong pagpapalawak ng mga aktuwal na kooperasyon.


Kasama ng Pilipinas, nakahanda aniya ang Tsina, na pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga hukbo ng dalawang bansa, para magkasamang mapangalagaan ang katatagan at kapayapaan sa SCS.


Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa insidente ng laser sa pagitan ng Philippine Coast Guard (PCG) at China Coast Guard (CCG) kamakailan, at pagpapabuti ng mekanismo ng pag-uugnayan sa mga isyung pandagat.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio