Sa kanyang keynote speech sa Ika-59 na Munich Security Conference (MSC), iniharap Pebrero 18 (local time), 2023 ni Wang Yi, kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng CPC, ang ilang mungkahi para sa mas maligtas na daigdig.
Una, para sa mas maligtas na daigdig, dapat igalang ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng iba’t-ibang bansa.
Ikalawa, para sa mas maligtas na daigdig, dapat igiit ang mapayapang paglutas sa hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Ikatlo, para sa mas maligtas na daigdig, dapat ipatupad ng lahat ng bansa ang layunin at prinsipyo ng United Nations (UN) Charter.
Ikaapat, dapat pahalagahan ng lahat ng bansa ang masusing papel na ginagampanan ng kaunlaran.
Salin: Lito