Pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati sa Ika-36 na AU Summit

2023-02-19 14:43:43  CRI
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Pebrero 18, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-36 na Summit ng Unyong Aprikano (AU) bilang maringal na pagbati sa mga bansa at mamamayang Aprikano.


Tinukoy ni Xi na noong isang taon, sa pamumuno ng AU, aktibong kinaharap ng mga bansang Aprikano ang mga hamong pandaigdig, pinabilis ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Aprika, pinatingkad ang mahalagang papel sa mga maiinit na isyu sa Aprika, at pinasulong ang walang patid na pagtaas ng katayuan at impluwensiya nito sa daigdig.


Ipinaabot ng pangulong Tsino ang taos-pusong pagbati sa mga bansa at mamamayang Aprikano sa pagtamo ng mas malaking tagumpay sa proseso ng pag-unlad at pagbangon.


Diin pa ni Xi, nakahanda siyang magsikap kasama ng mga lider ng bansang Aprikano para ibayo pang mapalakas ang mapagkaibigang kooperasyong Sino-Aprikano at mapasulong ang pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Aprika sa mataas na antas.


Salin: Lito