Solemnang posisyon tungkol sa airship incident, iniharap ni Wang Yi sa panig Amerikano

2023-02-19 14:45:12  CRI
Share with:

Sa sidelines ng Ika-59 na Munich Security Conference (MSC), sa paanyaya ng panig Amerikano, di-pormal na nakipagtagpo Pebrero 18 (local time), 2023 si Wang Yi, kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng CPC, kay Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos.


Ipinahayag ni Wang ang solemnang posisyon ng panig Tsino sa umano’y airship incident. Hiniling niya sa panig Amerikano na tumpak na pakitunguhin at lutasin ang kapinsalaan sa relasyong Sino-Amerikano na dulot ng pagmamalabis ng dahas.


Salin: Lito