Concept paper ng GSI, isasapubliko ng Tsina

2023-02-19 14:46:50  CRI
Share with:

Sa kanyang keynote speech sa Ika-59 na Munich Security Conference (MSC), sinabi Pebrero 18 (local time), 2023 ni Wang Yi, kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng CPC, na ang Global Development Initiative (GDI) at Global Security Initiative (GSI) na iniharap ni Pangulong Xi Jinping, ay nagkakaloob ng plano at katalinuhang Tsino para malutas ang dalawang malaking problemang kinabibilangan ng kapayapaan at kaunlaran na kinakaharap ng sangkatauhan.


Ani Wang, hanggang sa ngayon, suportado ng mahigit 100 bansa at mga organisasyong pandaigdig na gaya ng United Nations (UN) ang nasabing dalawang inisyatiba, at halos 70 bansa ang sumapi sa “Group of Friends of the GDI.”


Dagdag pa niya, sa malapit na hinaharap, isasapaubliko ng Tsina ang “concept paper ng GSI” upang ipagkaloob ang mas sistematikong paraan at mas maisasagawang hakbangin sa paglutas sa mga problemang panseguridad sa buong mundo.


Salin: Lito