Gawaing paghahanap at pagliligtas sa nilindol na lugar ng Türkiye, matatapos

2023-02-20 17:00:26  CMG
Share with:

 

Ayon sa departamento ng kalamidad ng Turkiye kahapon, Pebrero 19, 2023, matatapos ng pamahalaan ng bansa ang mga gawaing paghahanap at pagliligtas pagkatapos ng pagkayanig ng lindol sa bansang ito, dalawang linggo na nakaraan.

 

Sinabi ni Yunus Sezer, Puno ng Disaster and Emergency Management Authority (AFAD) ng Turkiye, na sa kasalukuyan, isinasagawa lamang ang gawaing paghahanap at pagliligtas sa 40 gusali sa lalawigang Hatay at Kahramanmaras, dalawang lalawigan sa dakong timog ng bansa na malubhang sinalanta ng lindol na naganap noong Pebrero 6.

 

Sinabi pa niyang sa ibang mga nilindol na lugar, ang pangunahing gawain ay pag-aalis ng debris, kanlungin ang mga walang tirahan, at pagkumpuni ng mga imprastruktura.

 

Hanggang sa kasalukuyan, ang bilang ng mga nasawi sa lindol ay tumaas sa 40689.

 

Bukod sa pamahalaan ng Türkiye, ang mga lokal at pandaigdigang organisasyon ay lumahok sa mga gawaing panaklolo sa nilindol na lugar.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil