CMG Komentaryo: “Balloon political show” ng Amerika

2023-02-20 10:29:56  CRI
Share with:

Sa talumpating binigkas kamakailan ng lider Amerikano sa the White House, inihayag niyang walang bakas na nagpapakitang may kaugnayan ang 3 ibinagsak na bagay sa Tsina, at patuloy na makikipag-ugayan ang Amerika sa Tsina upang maiwasan ang paglikha ng bagong “Cold War.”


Samantala, inihayag din ng lider na Amerikano na hindi hihingi ng paumanhin sa pagpapabagsak ng nasabing lobo ng Tsina.


Sa isang dako, hinahanap ng lider na Amerikano ang katwiran para sa sarili, at sa isa pang dako, patuloy nitong ipinakikita ang “katumpakang pulitikal” na maging matigas sa Tsina.


Kaya kulang sa katapatan ang nasabing posisyong may kontradiksyon, at hindi ito tumpak na paraan para sa paglutas sa problema.


Paulit-ulit na ipinahayag ng panig Tsino na ang pagpasok ng Chinese civilian airship sa teritoryong panghimpapawid ng Amerika ay dahil sa force majeure, at ito ang ganap na insidenteng okasyonal.


Ipinahayag din ng mga opisyal na Amerikano na walang anumang panganib ang nasabing lobong Tsino sa mga mamamayan at seguridad ng Amerika.


Ngunit sa atmosperang pulitikal na lumalalang hidwaan sa pagitan ng partido sa Washington, ginulo ang nasabing ordinaryong aksidente na maging isang political show.


Sa katotohanan, ayon sa tadhana ng pandaigdigang batas, kung may force majeure, panganib, o pag-iwas ng panganib, puwedeng kanselahin ang pagkaka-ilegal ng pagpasok ng walang permisyon ng unmanned airship ng isang bansa sa teritoryong panghimpapawid ng iba.


Sa praktis sa daigdig, pangkaraniwang ginagamit ang pagbabala, pagpapalayas, pagsama sa paglipad, puwersahang paglapag, at iba pang hakbangin sa mga civilian airship na lisyang pumasok sa teritoryong panghimpapawid ng ibang bansa.


Kaya mula sa regulasyon ng pandaigdigang batas at konbensyong pandaigdig, malinaw na nag-overreact ang panig Amerikano.


Bukod pa riyan, ayon sa pagsiwalat ng panig opisyal ng Tsina, mula noong Mayo ng nagdaang taon, sa mga lobong pinalipad ng panig Amerikano sa loob ng bansa, di-kukulangin sa 10 beses silang nagpasok sa teritoryong panghimpapawid ng Tsina.


Bakit walang anumang komento ang panig Amerikano tungkol dito?


Ito ang tipikong double standard na may istilong Amerikano.


Kung talagang nais lutasin ng panig Amerikano ang isyung ito, dapat nitong ipakita ang totoong katapatan, at huwag gawin ang mga balighong bagay para hindi maapektuhan ng malaki ng isang lobo ang relasyong Sino-Amerikano.


Salin: Lito

Pulido: Ramil