Ayon sa isang ulat na nilabas ngayong araw, Pebrero 20, 2023 ng Tsina hinggil sa mga hegemonyong kilos ng Amerika at mga panganib nito, isinasagawa ng Amerika ang mga aksyon ng monopolyo ng karapatan ng pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR) para panatilihin ang hegemonyo nito sa larangan ng agham at teknolohiya.
Anang ulat, sinasamantala ng Amerika ang bentahe nito laban sa ibang mga bansa, lalung-lalo na mga umuunlad na bansa, sa larangan ng IPR, para makinabang nang malaki sa monopolyo nito sa agham at teknolohiya.
Ayon pa sa ulat, isinapulitika ng Amerika ang mga isyu ng agham at teknolohiya.
Bukod dito, sa ngalan ng demokrasya at karapatang pantao, isinagawa ng Amerika ang blokeyong panteknolohiya at cyber-attack sa ibang mga bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil