Ika-2 sesyong plenaryo ng ika-20 Komite Sentral ng CPC, idaraos

2023-02-21 16:09:47  CMG
Share with:

Nagpulong ngayong araw, Pebrero 21, 2023 ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para maaprubahan ang pagdaraos ng ika-2 sesyong plenaryo ng ika-20 Komite Sentral ng CPC mula Pebrero 26 hanggang 28.

 

Tinalakay sa pulong na ito ang hinggil sa working report ng pulitburo para sa Komite Sentral, working report ng Konseho ng Estado ng Tsina para sa unang pulong ng ika-14 Pambansang Kongreso ng Bayan (NPC), at listahan ng mga kandidato ng mga namamahalang tauhan ng pamahalaang sentral.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil