Mga FM ng Tsina at Singapore, nagtagpo

2023-02-21 10:59:54  CMG
Share with:

 

Nagtagpo Lunes, Pebrero 20, 2023 sa Beijing sina Qin Gang, Ministrong Panlabas ng Tsina at kanyang counterpart na si Vivian Balakrishnan ng Singapore.

 

Sinabi ni Qin na ang Singapore ay mahalagang partner ng Tsina at lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon ng dalawang bansa at mahalagang papel ng Singapore sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

 

Kasama ng Singapore, nakahanda aniya ang Tsina na magkasamang isakatuparan ang mga mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa para pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.

 

Sinabi naman ni Vivian Balakrishnan na ikinagagalak ng Singapore ang mabilis na pagbangon ng kabuhayang Tsino pagkatapos ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at puno ang pananalig niya sa kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.

 

Dagdag pa niya, patuloy na igigiit ng Singapore ang multilateralismo, at pangangalagaan ang kalayaan ng kalakalan at kaayusan, at katatagan ng supply at industrial chain.

 

Kapwa nilang ipinahayag na maghahanda para sa pagpapalagayan sa mataas na antas sa susunod na yugto, at ibayo pang magpapasulong sa progreso ng mga mahalagang proyekto ng kooperasyon.

 

Sinang-ayunan din nilang pabilisin ang komprehensibong pagpapanumbalik ng direktang flight sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Ipinagdiinan nilang patuloy na igigiit ang bukas na estrukturang pangkooperasyon ng rehiyong ito na ang nukleo ay Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

Bukod dito, sinabi ni Qin na kasama ng mga bansang ASEAN, nakahanda ang Tsina na komprehensibo at mabisang isakatuparan ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea para magkakasamang pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng South China Sea.


Salin: Ernest

Pulito: Ramil