Nagrali Pebrero 19 (local time), 2023 sa Washington ang ilang Amerikanong kumokontra sa digmaan para hilingin sa kanilang pamahalaan na itigil ang suportang militar sa Ukraine at buwagin ang North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Ngunit pagkatapos ng isang araw, biglang dumalaw sa Ukraine si Pangulong Jose Biden ng Amerika kung saan idineklara ang pagkakaloob muli ng tulong na kinabibilangan ng mga sandatahang kasangkapan na nagkakahalaga ng 500 milyong dolyares sa Ukraine.
Malinaw nitong ipinakikita na sa likod ng walang patid na paglala ng sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine noong isang taon, Amerika ang kasalukuyang pinakamalaking hegemonikong bansa sa daigdig.
Ang pagpapalala sa krisis ng Ukraine ay isa lang pagpapakita ng pagsusulong ng Amerika ng hegemonya nito sa buong mundo nitong mga taong nakalipas.
Sa ulat na may pamagat na “U.S. Hegemony and Its Perils” na ipinalabas Pebrero 20, 2023 ng Tsina, sa pamamagitan ng paglilista ng mga katotohanan, naibunyag nito ang limang totoong mukha ng hegemonyang may istilong Amerikano sa limang aspektong kinabibilangan ng pulitika, militar, kabuhayan, siyensiya’t teknolohiya, at kultura.
Mula isinulsol ang “color revolution” sa Europa at Asya hanggang ibinalak ang “Arabic Spring” sa Kanlurang Asya at Hilagang Aprika, sa katuwirang umano’y demokrasya at karapatang pantao, nais huwaran ng Amerika ang ibang mga bansa at kaayusang pandaigdig. Ngunit idinudulot nito ang napakalaking kaguluhan at kapahamakan.
Sa pamamagitan ng dolyare, palagiang minamanipula ng Amerika ang patakarang pansalapi. Ibinunsod kamakailan nito ang kaligaligan ng pandaigdigang merkadong pinansiyal at napakalaking pagbaba ng halaga ng mga salaping tulad ng Euro na naging pinakamababang digri nitong 20 taong nakalipas.
Sa larangan ng siyensiya’t teknolohiya at kultura, mula itinatag ang mga technical coterie hanggang niluto ang mga pekeng impormasyon upang atakihin ang ibang bansa, at manipulahin ang media, isinasagawa ng Amerika ang magkaparehong hegemonya.
Para sa sariling hegemonya, hinahanap ng Amerika ang hegemonya, pinangangalagaan ang hegemonya, at pinagmamalabisan ang hegemonya.
Salin: Lito
Puldio: Ramil