Dokumento ng paninindigang Tsino hinggil sa paglutas sa krisis ng Ukraine, ilalabas

2023-02-21 15:55:30  CMG
Share with:

 

Ipinahayag Lunes, Pebrero 20, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa araw ng unang anibersaryo ng pagkaganap ng krisis ng Ukraine, isasapubliko ng panig Tsino ang dokumento ng paninindigang Tsino hinggil sa paglutas sa krisis na ito sa paraang pulitikal.

 

Sinabi ni Wang na ang naturang dokumento ay magpapaulit ng mga mahalagang mungkahi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kinabibilangan ng paggalang sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng iba’t ibang bansa, pagsunod sa layon at prinsipyo ng Karta ng United Nations (UN), pagpapahalaga sa makatwirang pagkabahala ng iba’t ibang bansa sa seguridad at pagkatig sa anumang pagsisikap para sa mapayapang paglutas sa krisis.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil