Pormal na isinapubliko ngayong araw, Pebrero 21, 2023 ng Tsina ang Global Security Initiative Concept Paper para ihatid ang nukleong prinsipyo at ideya ng Global Security Initiative (GSI) at ipaliwanag ang pangunahing direksyon at mekanismo ng kooperasyon.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Qin Gang, Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang paper na ito ay nagpapakita ng responsibilidad ng Tsina sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig at determinasyon sa pangangalaga sa seguridad ng buong mundo.
Sapul nang iharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang GSI, ipinahayag ng mahigit 80 bansa at pandaigdigang organisasyon ang paghanga at pagsuporta sa GSI.
Tinukoy ni Qin na ang mga pangunahing direksyon ng kooperasyon na iniharap ng paper na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Matatag na pagkatig sa nukleong papel ng United Nations (UN) sa pangangasiwang panseguridad.
Pagpapasulong ng maayos na pagkokoordinahan sa pagitan ng mga malaking bansa, pagkatig sa pagkakapantay-pantay ng mga bansa at pagtutol sa hegemonismo.
Aktibong pagpapasulong sa paglutas sa mga mainit na isyu sa pamamagitan ng diyalogo.
Mabisang pagharap sa mga hamong pansegudiad na tradisyonal at di-tradisyonal.
Pagpapahigpit ng konstruksyon ng sistema at kakayahan ng pangangasiwa sa seguridad na pandaigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil