Noong isang buwan, isinagawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Pilipinas ang dalaw-pang-estado sa Tsina.
Kinatagpo siya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at inilabas ng kapwa panig ang magkasanib na pahayag.
Si Marcos Jr. ay ang unang dayuhang pangulong tinganggap ng Tsina sa taong kasalukuyan.
Ito rin ang unang pagdalaw ni Marcos Jr. sa Tsina bilang pangulo, at kanyang unang opisyal na pagdalaw sa isang bansang di-miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang pagdalaw na ito ay nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga ng dalawang bansa sa kanilang bilateral na relasyon.
Sa kanyang pananatili sa Tsina, lumagda ang Tsina at Pilipinas sa Memorandum of Understanding tungkol sa magkasamang pagtatayo ng “Belt and Road,” at ipinangako ng kapwa panig na patuloy na palalimin ang kanilang kooperasyon sa 4 na mahalagang larangang kinabibilangan ng enerhiya, pagpapalitan ng tao-tao, imprastruktura, at agrikultura.
Ngayo’y nahaharap ang daigdig sa grabeng krisis ng enerhiya. Bilang kapwang umuunlad na bansa, apektado nito ang Tsina at Pilipinas.
Sa magkasanib na pahayag, nagkasundo ang Tsina at Pilipinas tungkol sa isyu ng South China Sea. Sinang-ayunan ng kapwa panig na patuloy na isulong ang proseso ng kanilang pagsasanggunian hinggil sa magkasamang paggagalugad ng langis at gas sa South China Sea upang makapaghatid ng benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Minsa’y ipinagdiinan ni pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan ng magkasamang paggagalugad nila ng Tsina ng langis at gas sa South China Sea. Ito ang mahalaga, saad niya.
Sa katotohanan, ang “pagsa-isang tabi ng hidwaan at magkasamang paggagalugad” ay palagiang nananatiling prinsipyo ng Tsina sa paghawak sa nasabing isyu.
Pinaniniwalaang at inaasahang makakamtan ng Tsina at Pilipinas ang breakthrough sa larangang ito.
Kamakaila’y nakakatawag ng malaking pansin ang alitan sa dagat sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.
Kaugnay nito, inihayag ng dalawang bansa na kailangang itatag at kumpletuhin ang mekanismo ng pagsasangguniang Sino-Pilipino tungkol sa isyung pandagat upang maayos na hawakan ang kanilang hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katahimikan sa South China Sea. Samantala, kailangan anilang aktibong palawakin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa.
Parang magkapitbahay ang Tsina at Pilipinas na nagsusuno ng isang pader. Paminsan-minsang pumapasok ang dahon ng puno ng aking pamilya sa yarda ng pamilya mo, at ang manok mo ay posibleng pumapasok sa aking pamilya.
Ngunit kung babalik-tanawin ang libong taong kasaysayang pangkaibigan ng Tsina at Pilipinas, ang mapagkaibigang kooperasyon, pagtutulungan sa isa’t-isa, at paghahanap ng komong kaunlaran ay nananatiling pangunahing tunguhin ng relasyon ng dalawang bansa.
Madalas na nagsasabi si Pangulong Xi Jinping ng Tsina na “magiging mas malapit ang mga kaibigan at kapitbahay kung mas madalas silang nagdadalawan.”
Nitong ilang taong nakalipas, pinahihigpit ng Tsina at Pilipinas ang kanilang pagpapalitan ng tao-tao, walang patid na pinatitibay ang pundasyon ng pagkakaibigan, at walang humpay na lumalalim ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Noong Enero 24 ng kasalukuyang taon, inihandog sa Manila International Airport ng Kagawaran ng Turismo (DoT) ng Pilipinas ang maringal na seremonyang pasalubong para sa mga dumating na turistang Tsino.
Bago sumiklab ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), noong 2019, umabot sa 1.76 milyong person-time ang mga turistang Tsino sa Pilipinas na katumbas ng mahigit 21% ng kabuuang bilang ng mga dayuhang turistang tinanggap ng Pilipinas noong buong taong 2019. Ang Tsina ay nagsilbing ikalawang pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng mga dayuhang turista ng Pilipinas.
Napakahalagang katuturan ang pagpapalagayan ng mga mamamayang Sino-Pilipino. Pinaniniwalaang sa malapit na hinaharap, mapapanumbalik at malalampasan ang lebel ng pagpapalitan ng mga mamamayang Sino-Pilipino kumpara sa lebel bago ang pandemiya.
Nitong ilang taong nakalipas, sustenableng isinusulong ng Tsina at Pilipinas ang pag-uugnayan ng “Belt and Road” Initiative at programang “Build, Build, Build” at “Build, Better, More.”
Kasalukuyang maayos na isinusulong ang halos 40 proyekto sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, at maalwang natapos na ang 17.
Ang mga ito ay nakakapaghatid ng napakalaking benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Ang nakompletong Binondo-Intramuros Bridge (B-I) ay nagsisilbing bagong landmark at Instagram-worthy location ng Maynila.
Noong Oktubre ng nagdaang taon, nagsimula ang konstruksyon ng Davao City — Samal Island Connector Bridge, proyektong pangkooperasyon sa pagitan ng pamahalaang Sino-Pilipino, at tinatayang magtapos ito hanggang taong 2027.
Sa larangan ng agrikultura naman, natapos ang konstruksyon ng Chico River Pump Irrigation Project, isa sa mga mahahalagang proyekto ng imprastrukturang isinulong ng pamahalaang Tsino at Pilipino. Nakakatulong ito sa pagpapasulong ng sustenableng paggamit at pag-unlad ng likas na yaman sa lokalidad at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga lokal na mamamayan.
Samantala, noong Disyembre ng nagdaang taon, pormal na sinimulan ang konstruksyon ng Kaliwa Dam Project, isa pang mahalagang proyekto ng imprastruktura sa ilalim ng kooperasyong Sino-Pilipno.
Minsa’t inihayag ni pangulong Marcos Jr. na ang kanyang pangarap ay pangarap ng Pilipinas na magkakaroon ng trabaho at mabuting pamumuhay ang mga Pilipino. Magkapareho ito sa “Chinese Dream” na iniharap ni pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Layon nilang isakatuparan ang hangarin ng pagyaman at paglakas ng bansa, pag-ahon ng nasyon, at kaligayahan ng mga mamamayan.
Ang walang patid na pagpapalawak at pagpapalalim ng kooperasyong Sino-Pilipino ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Sa isang dako, sa proseso ng pagsasagawa ng mga proyektong pangkooperasyon ng dalawang bansa, maaaring malakas na mapasulong ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa lokalidad sa pamamagitan ng pagdaragdag ng trabaho at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan; sa kabilang dako, ito ay nakakatulong sa pamumuhunan ng Tsina sa ibang bansa, nakakapagpabilis sa pag-u-upgrade ng estrukturang industriyal sa loob ng bansa, nakakapagpasigla sa paglaki ng pagluluwas, at nagkakaloob ng pangmatagalang puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang Tsino.
Ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagharap ng inisyatiba ng “Belt and Road.”
Pinaniniwalaang sa hinaharap, sa pamamagitan ng sustenableng pag-uugnayan ng pambansang estratehiyang pangkaunlaran ng Tsina at Pilipinas, tiyak na itataas ang lebel ng mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa at mkakapaghatid ng mas malaking benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Ulat / Salin: Lito
Pulido: Ramil