RCEP, pinagtibay ng Senado ng Pilipinas

2023-02-22 11:14:38  CMG
Share with:

Pinagtibay kagabi, Pebrero 21, 2023 ng Senado ng Pilipinas ang trade agreement ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).


Pagkatapos nito, isusumite ng Pilipinas ang kasunduang ito sa sekretaryat ng ASEAN.


Ang RCEP ay pormal na paiiralin sa Pilipinas 60 araw pagkaraang isumite ito sa sekretaryat ng ASEAN.


Sinabi ni Arsenio Balisacan, Puno ng National Economic and Development Authority ng Pilipinas, na ang pagsapi sa RCEP ay makakabuti sa pagsangkot ng Pilipinas sa pandaigdigang kadena ng pagsuplay at magpapalaki ng market access ng bansa.


Ito rin aniya ay magpapasigla sa sustenableng paglaki ng kabuhayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng kalakalang panrehiyon at pandaigdig, at paglaki ng pamumuhunan sa mga estratehikong sektor.


Pormal na ipinatupad ang RCEP noong unang araw ng Enero ng taong 2022 at ito ay pinakamalaking kasunduan ng malayang kalakalan ng buong daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil