MOFA: Nakahanda ang Tsina na itayo, kasama ng iba’t ibang bansa, ang malinis at magandang mundo

2023-02-22 11:07:10  CMG
Share with:

Ipinahayag Martes, Pebrero 21, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na patuloy na isasagawa ng Tsina ang kooperasyon sa iba’t ibang bansa ng buong daigdig para pagbuklurin ang komong palagay hinggil sa green development, at itayo ang mas malinis at magandang mundo.


Ayon sa ulat, ipinahayag ng Ministry of Ecology and Environment ng Tsina na maayos na ipinatupad ang target ng pagpapabuti ng kalidad ng ekolohikal na kapaligiran sa taong 2022.


Kaugnay nito, sinabi ni Wang na sa kasalukuyan, ang green development ay naging tunguhin ng pag-unlad ng buong daigdig at ang Tsina ay unang bansa sa buong daigdig na ipinatupad ang “zero net land degradation”.


Dagdag pa ni Wang, sapul noong 2000, ang Tsina ay nagbigay ng halos sangkapat na saklaw ng buong bagong karagdag na berdeng lugar ng buong daigdig.


Idiniin ni Wang na pinili ng Tsina ang landas ng green development at natamo ang kapansin-pansing bunga. Ito aniya ay nagbigay ng mahalagang ambag para sa pagbuti ng ekolohikal na kapaligiran ng buong daigdig at pagharap sa pagbabago ng klima.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil