Pananaw ni Xi sa yamang kultural ng Tsina: Episode 6 – Chang’an

2023-02-22 15:32:31  CRI
Share with:


Sinabi minsan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na “kung gusto mong malaman ang hinggil sa Tsina noong nagdaang 1,000 taon, bumisita sa Xi’an.”

 

Ang lungsod ng Xi’an ay tahanan ng pamana at kasaysayan ng Tsina nitong nakalipas na ilang libong taon.

 

Noong sinaunang panahon, ang Xi’an ay tinawag na Chang’an, na nangangahulugang “kapayapaan at katatagan sa mahabang panahon.”

 

Noong Kaiyuan Reign period (713-741) ng Dinastiyang Tang (618-907), malaking sigasig ang ginawa ng emperador, kasama ang mga opisyal para mapasagana ang pangkalahatang puwersa ng bansa.

 

Ang kasaganaan at kabantugan ng Xi’an bilang sinaunang kabisera ng 13 dinastiya ay isinulat sa sinaunang city wall, at nagsilbi itong bahagi ng buhay na kasaysayan ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil