Xi Jinping, nagpadala ng mensahe ng pakikiramay sa Brazil hinggil sa buhos ng ulan

2023-02-23 10:59:55  CMG
Share with:

Nagpadala Miyerkules, Pebrero 22, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe ng pakikiramay kay Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva ng Brazil hinggil sa malubhang kasuwalti at malaking kapinsalaan sa ari-arian na dulot ng pagbuhos ng ulan sa Sao Paulo state ng bansang ito.


Ipinahayag ni Xi ang taos-pusong pakikidalamhati sa mga biktima at pakikiramay sa mga kanilang mga kamag-anakan at mga mamamayan ng apektadong lugar.


Pinagpala din ni Xi ang paggaling ng mga nasugatan sa lalong madaling panahon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil