Nagtagpo Miyerkules, Pebrero 22, 2023 sa Moscow sina Wang Yi, Kagawad ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
Sinabi ni Wang na ang komprehensibong estratehikong partnership ng pagkokoordinahan ng Tsina at Rusya sa bagong panahon ay hindi nakakatugon sa ikatlong panig. Ang partnership na ito aniya ay hindi nagpapahintulot sa anumang panggugulo at pagbabanta ng ikatlong panig.
Kasama ng Rusya, nakahanda aniya ang Tsina na palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, pahigpitin ang estratehikong pagkokoordinahan, palawakin ang aktuwal na kooperasyon at pangalagaan ang lehitimong kapakanan ng dalawang bansa.
Ani Wang, dapat magbigay ang dalawang bansa ng konstruktibong papel para sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig.
Ipinahayag naman ni Putin na sa kasalukuyan, umuunlad ang relasyon ng Rusya at Tsina patungo sa nakatakdang target at mabunga ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan at kanilang pagkokoordinahan sa mga multilateral na organisasyon na gaya ng Shanghai Cooperation Organization, BRICS at iba pa.
Saad niya na ang pagpapahigpit ng dalawang bansa ng pagkakaisa at pagkokoordinahan sa mga suliraning pandaigdig ay mahalaga para sa pagpapasulong ng demokrasya ng pandaigdigang relasyon at katatagan at balanse ng pandaigdigang kayarian.
Malalimang nagpalitan sila ng palagay hinggil sa isyu ng Ukraine.
Ipinahayag ni Wang na hinangaan ng panig Tsino ang pag-uulit ng panig Ruso sa hangarin ng paglutas sa isyung ito sa pamamagitan ng diyalogo at talastasan.
Dagdag pa niyang patuloy na igigiit ng Tsina ang obdiyektibo at makatarungang paninindigan sa isyung ito at patitingkarin ang konstruktibong papel sa paglutas sa krisis sa paraang pulitikal.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil