Pagpasyal sa Hepingguoju theme block, “time travel” balik sa matandang Beijing

2023-02-23 14:47:53  CMG
Share with:

Ang 和平菓局(hé píng guǒ jú) ay isang theme block na nagpapakita ng totoong eksena ng mga hutong sa Beijing noong 1980s.

 

Ang hutong ay isa sa mga simbolo ng Beijing. Ito rin ang ugat ng matandang Beijing.

 

Sa loob ng hutong, makikita ang lumang bisikletang nakasandal sa pader, mga hawla at damit na nakasabit sa sampayan, kahong lalagyan ng dumarating na liham sa pintuan...

 

Parang maaari nating makita ang kani-kaniyang mga kuwento ng mga pamilya, na nangyari sa likod ng mga pinto at bintana.

 

Lumabas sa hutong at pumasyal sa lumang kalye.

 

Sari-sari store, photo studio, open cinema, lumang tren na kulay-berde, lugar ng paglalaro ng mahjong... Ang mga ito ay ibayo pang nagpapakita sa atin ng pamumuhay ng mga tao noon.

 

Popcorn machine, sewing machine, game machine, lumang telepono at telebisyon... Ang lahat ng mga bagay sa kalye ay puwedeng maranasan, samantala ring napupukaw ang alaala ng kabataan ng maraming turista.

 

Bukod sa mga eksena sa Hepingguoju, nakakatikim din ang mga tao ng mga tradiysunal na pagkain ng Beijing, na gaya ng noodles with soy bean paste, Chinese pancake, at tinuhog na sugarcoated hawthorn o 冰糖葫芦(bīng táng hú lu.)

 

Maliban diyan, nakakaranas din ang mga turista ng mga tradisyunal na sining na gaya ng sugar-figure blowing, dough figurine, at Chinese shadow puppetry, sa tulong ng mga inheritors ng intangible cultural heritage.

 

Dahil sa malaking espasyo na may lawak na mga 2400 square meters, magandang eksena, at libreng pagbisita, mahigit sampung libong turista ang pumaparito araw-araw, para pumasyal at kumuha ng mga litrato.

 

Sa kasalukuyan, ang Hepingguoju ay hindi lamang pinupuri bilang matagumpay na innovative case ng urban tourism, kundi ring naging isa sa mga sikat na proyektong kultural ng Beijing.

 

By the way, ang Hepingguoju ay nasa basement level 2 ng Wangfujing Department Store, Dongcheng District ng Beijing, at ito ay bukas mula alas diyes ng umaga hanggang alas diyes ng gabi araw-araw.

 

Video/Script: Kulas

Pulido: Rhio/Jade