“Papel ng Paninindigang Tsino sa Pulitikal na Kalutasan ng Krisis sa Ukaine,” inihayag

2023-02-24 17:59:32  CMG
Share with:

Isinapubliko ngayong araw, Pebrero 24, 2023 ng Ministring Panlabas ng Tsina ang “Papel ng Paninindigang Tsino sa Pulitikal na Kalutasan ng Krisis sa Ukaine.”

 

Napapaloob dito ang mga prinsipyong kinabibilangan ng:

·        Paggalang sa soberanya ng iba’t-ibang bansa;

·        Pagtakwil sa mentalidad ng Cold War;

·        Agarang pagtigil sa sagupaan at digmaan;

·        Pagsisimula ng talastasang pangkayapaan;

·        Paglutas sa makataong krisis;

·         Pangangalaga sa mga sibilyan at bilanggo ng digmaan o prisoners of war (POWs);

·        Pangangalaga sa seguridad ng mga nuclear power station;

·        Pag-iwas sa estratehikong krisis na gaya ng sagupaang nuklear at kemikal;

·        Paggarantiya sa pagluluwas ng mga pagkaing-butil ng Ukraine at Rusya;

·        Pagtigil sa unilateral na sangsyon;

·        Paggarantiya sa katatagan ng kadena ng suplay at industrya; at

·        Pagpapasulong sa rekonstruksyon pagkatapos ng krisis.

 

Inulit din dito ng Tsina, na patuloy itong magbibigay ng konstruktibong papel para sa paglutas sa nasabing krisis sa paraang pulitikal.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio