Pakikipagpaligsahan sa armas na nuklear, hindi isinasagawa ng Tsina

2023-02-24 18:06:16  CMG
Share with:

 

Ipinahayag Huwebes, Pebrero 23, 2022 ni Tan Kefei, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulan Bansa ng Tsina, na matatag at konsistente ang patakarang nuklear ng kanyang bansa, at hindi ito nakikipagpaligsahan sa larangan ng armas na nuklear sa ibang bansa.

 

Aniya, palagiang iginigiit ng Tsina ang patakarang “hindi mauuna sa paggamit ng sandatang nuklear sa anumang oras at okasyon,” at pangako na di-paggamit ng sandatang nuklear sa mga bansa at rehiyong walang sandatang nuklear.

 

Dagdag ni Tan, ang pagsusulong ng Amerika sa isyung bantang nuklear ng Tsina ay naglalayon lamang na magdagdag ng sariling bilang ng sandatang nuklear at panatilihin ang sariling hegemonismong pang-militar.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio