Isa pang freight train ng kompanyang Norfolk Southern, nadiskaril

2023-02-26 15:29:30  CRI
Share with:

Ayon sa mediang Amerikano, matapos ang aksidente ng pagkadiskaril ng isang tren na may mga 50 bagon ng kompanyang Norfolk Southern sa East Palestine, isang maliit na bayan sa estado ng Ohio, Estados Unidos, nadiskaril Pebrero 25 (local time), 2023 ang isa pang freight train na may 132 bagon ng nasabing kompanya.


Inihayag ng tagapagsalita ng kompanyang Norfolk Southern na walang mapanganib na bagay ang karga ng nadiskaril na tren, at walang naiulat na human casualty sa aksidenteng ito.


Hanggang sa ngayon, wala pang kaukulang ulat tungkol sa sanhi ng nasabing aksidente.


Salin: Lito