(Sa bukas na pulong ng United Nations (UN) Security Council tungkol sa isyu ng Ukraine, inilahad Pebrero 24, 2023 ni Dai Bing, charge d'affaires ng pirmihang delegasyong Tsino sa UN, ang posisyon ng panig Tsino tungkol sa kalutasang pulitikal sa krisis ng Ukraine)
Ang Pebrero 24 ng kasalukuyang taon ay unang anibersaryo ng pagsiklab ng krisis ng Ukraine.
Hindi lamang sinira ng krisis na ito ang katiwasayan at katatagan ng Europa, kundi nakapaghatid din ito ng mas kawalang katiyakan at kawalang seguridad sa buong mundo.
Paano masusugpo ang giyera?
Paano mababawasan ang epekto sa daigdig ng nasabing krisis?
Ang dokumentong “Paninindigang Tsino tungkol sa Kalutasang Pulitikal sa Krisis ng Ukraine” na ipinalabas ng Tsina sa araw ring iyon ay nagkakaloob ng katalinuhang Tsino upang maresolba ang krisis.
Dito nakasaad ang 12 punto upang malutas sa paraang pulitikal ang krisis ng Ukraine, at nagpapakita ng atityud ng Tsina na pagsunod sa katotohanan, pagtalima sa obdiyektibo’t pantay na pananaw, at aktibong pagpapasulong sa mapayapang diyalogo ng mga kaukulang panig.
Ang pagsiklab ng krisis ng Ukraine ay bunsod ng serye ng masasalimuot na elementong kinabibilangan ng panunulsol ng Amerika at North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Sila ang tagapagpasimula at tagapagpalala ng krisis.
Kung babalewahin ang katotohanang ito, napakahirap malutas ang kasalukuyang problema.
Bukod pa riyan, nanawagan ang panig Tsino na itayo ang makataong koridor sa pinagsasagupaang rehiyon para sa pangangalaga at paglilikas ng mga sibilyan at bilanggo ng giyera, at paggarantiya sa paghahatid ng pagkaing-butil sa labas.
Ang mga ito ay nagpapakita ng malinaw na makataong pananaw ng Tsina.
Bukod pa riyan, ipinagdiinan ng panig Tsino na kailangang proteksyunan ang katatagan ng kadena ng industriya at suplay, at inulit na “hindi dapat gamitin ang sandatang nuklear, at hindi dapat ilunsad ang sagupaang nuklear.”
Tinututulan ng panig Tsino ang pagsubok-yari at paggamit ng anumang bansa ng sandatang nuklear sa anumang kondisyon.
Ito’y nagpapakita ng mataas na responsibilidad ng panig Tsino sa kaligtasan at kaunlaran ng buong sangkatauhan.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio