Ipininid Pebrero 25, 2023 sa lunsod ng Bengaluru sa dakong timog ng Indiya ang dalawang araw na pulong ng mga Ministrong Pinansiyal at Gobernador ng Bangko Sentral ng G20, kung saan tinalakay ang mga isyung gaya ng pandaigdigang estrukturang pinansiyal, sustenableng pinansiya, imprastruktura at mga sektor pampinansiya.
Bilang tagapangulong bansa ng G20, inilabas ng Indiya ang pahayag na nagsasaad, na kaunti lamang ang pagbuti ng prospek ng kabuhayang pandaigdig, dahil sa mga hamong pangkabuhayang gaya ng resesyon at implasyon.
Anito, kailangang balangkasin ng iba’t-ibang bansa ang maingat na patakarang pangkabuhayan para pasulungin ang paglaki at pangangalaga sa katatagan ng pandaigdigang makro-ekonomiya at pinansiya.
Nanawagan din ito para sa pagpapahigpit ng koopersyon sa pakataran ng buong daigdig at pagpapalakas ng sustenable, balanse at may pagbibigyang paglaki ng kabuhayan.
Dagdag pa nito, patuloy na palalakasin ng G20 ang kooperasyon sa patakaran ng makro-ekonomiya at susuportahan ang pagpapasulong ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio