Kaugnay ng pagkakapatibay kamakailan ng Senado sa pagsapi ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), Ipinahayag ni Benito Techico, na idudulot nito ang bagong pagkakataon sa pagbangon at pag-unlad ng kabuhayang Pilipino.
Si Techico ay Espesyal na Sugo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) sa Isyu ng Tsina hinggil sa Kalakalan, Pamumuhunan, at Turismo.
Aniya, ito’y makakabuti sa pag-unlad ng mga industriya ng bansa na gaya ng agrikultura, serbisyo, turismo at iba pa.
Ito rin ay magpapasigla sa inobasyon ng mga bahay-kalakal ng Pilipinas, dagdag niya.
Kailangan aniyang samantalahin ng Pilipinas ang pagkakataong hatid ng RCEP at isulong ang sariling bentaheng heograpikal para itayo ang sentro ng paghahatid ng kalakal sa buong Asya.
Saad ni Techico, sa pamamagitan ng RCEP, ang Pilipinas ay magiging sentro ng manupaktura at aakit ng maraming dayuhang puhunan.
Samantala, sinabi niyang ang Tsina ay mahalagang katuwang sa kooperasyon ng kabuhayang panrehiyon.
Sa ilalim nito, magkakaroon ng bagong pagkakataon ang kooperasyon ng Pilipinas at Tsina sa kabuhayan at kalakalan, magiging mas madali ang pagpasok ng mga produktong Pilipno sa pamilihang Tsino, at aakit ng mas maraming dayuhang puhunan ang manupaktura at agrikultura ng Pilipinas.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio