Tsina, pagtutol sa resolusyon ng Senado ng Amerika hinggil sa lobo

2023-02-16 17:04:29  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagkatibay kahapon, Pebrero 15, 2023 ng Senado ng Amerika ang dalawang resolusyon hinggil sa isyu ng lobo, ipinahayag ngayong araw, Pebrero 16, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) ang matinding pagtutol sa dalawang resolusyon ng Senado ng Amerika hinggil sa kondemnasyon sa pagpasok ng lobo ng Tsina sa teritoryong panghimpapawid ng Amerika.

 

Sinabi ni Wang na ang resolusyon ng Amerika ay “malicious hype” at “political manipulation”.

 

Hinimok ni Wang ang Senado ng Amerika na igalang ang katotohanan, diwa ng pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, at itigil ang aksyon ng pagkasira sa imahe ng Tsina at pagpapaigting ng tensyon ng insidenteng ito.