Puna ng Amerika sa lethal aid ng Tsina sa Rusya, kinondena

2023-02-28 14:41:29  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng pananalita kamakailan ni Kalihim ng Estado Antony Blinken ng Amerika, na binabalak ng Tsina na magkaloob ng lethal aid sa Rusya, ipinahayag kahapon, Pebrero 27, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na walang kapangyarihang makialam ang Amerika sa relasyong Sino-Ruso at hinding-hindi tatanggapin ng Tsina ang anumang banta at presyur ng Amerika hinggil dito.

 

Aniya, palagian at aktibong pinasusulong ng Tsina ang talastasang pangkapayapaan at paglutas sa isyu ng Ukraine sa paraang pulitikal.

 

Taliwas sa akusasyon ni Blinken, ang Amerika ang palaging nagbibigay ng nakamamatay na sandata para gamitin ng Ukraine, dagdag ni Mao.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio