Ipininid Martes, Pebrero 28, 2023 sa Beijing ang Ika-2 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kung saan tinalakay ang nilalaman ng work report ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino.
Kinilala ng mga kalahok ang mga hakbang na isinagawa ng Politburo sapul nang idaos ang Unang Sesyong Plenaryo noong Oktubre, 2022.
Pinagtigay rin dito ang mga listahan ng kandidato para sa posisyon ng mga namamahalang tauhan ng pamahalaang sentral, Pambansang Kongresong Bayan (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Kaugnay nito, irerekomenda ang naturang mga listahan sa Unang Sesyon ng Ika-14 na NPC at Unang Sesyon ng Ika-14 na CPPCC para mahalal ang mga bagong namamahalang tauhan ng pamahalaang sentral, NPC at CPPCC.
Maliban pa riyan, niratipikahan din sa nasabing sesyong plenaryo ang plano ng reporma sa mga organo ng CPC at bansa.
Ang pulong ay pinanguluhan ni Xi Jinping.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio/Jade