Artikulo ni Xi hinggil sa landas ng pagsisigasig ng CPC at mga mamamayan sa makabagong panahon, inilabas

2023-03-01 15:15:33  CRI
Share with:

Sa kanyang artikulo sa Qiushi Journal, pangunahing magasin ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Miyerkules, Marso 1, 2023, ipinaliwanag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng nasabing komite at Pangulong Tsino, na ang paggigiit sa pangkalahatang pamumuno ng CPC ay landas na dapat tahakin, para mapaunlad ang sosyalismong may katangiang Tsino.


Aniya, “hangga’t matatag nating sinusunod ang pangkalahatang pamumuno ng Partido, at pinangangalagaan ang awtoridad, sentralisado at unipikadong pamumuno ng Komite Sentral, maisisigurado natin ang malakas na politikal na kohesyon ng Partido at buong bansa tungo sa pagkakaisa ng mga mamamayan; pagdedebelop ng kompiyansa; paglikom ng malakas na puwersa ng inobasyon, alinsunod sa mga nakamtan noong nakaraan at pagkakaisa para mapagtagumpayan ang mga hamon; at pagbuo ng angkla bilang matatag na sandigan ng bansa sa harap ng mga kahirapan.”  


Ito aniya ang kailangang gawin ng Partido at mga mamamayang Tsino sa makabagong panahon.


Anang artikulo, ang sosyalismong may katangiang Tsino ang paraan upang maisakatuparan ang pag-ahon ng nasyong Tsino; ang pagbubuklud-buklod at pagpupunyagi ay kailangan upang matupad ang historikal na tagumpay; at ang pagpapatupad ng bagong pilosyopiyang pangkaunlaran ay dapat ipatupad upang mapaunlad at mapalakas ang bansa sa makabagong panahon.


Ang ganap at estriktong pangangasiwa ng Partido sa sarili ay kinakailangan din para mapanatili ang kasiglahan, at igarantiya ang tagumpay sa bagong biyahe, dagdag ni Xi.


Salin: Vera

Pulido: Rhio