Tsina, nagprotesta sa pag-abuso ng Amerika sa Tik Tok

2023-03-01 18:07:25  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng kahilingan ng White House sa mga departamento ng Pamahalaang Amerikano na alisin ang Tik Tok sa lahat ng mga sistema at kagamitan ng pamahalaan, ipinahayag Martes, Pebrero 28, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), ang matatag na pagtutol ng panig Tsino sa pagmamalabis sa kapangyarihan at pag-abuso ng Amerika sa bahay-kalakal ng ibang bansa.

 

Hinimok ni Mao ang pamahalaang Amerikano na igalang ang prinsipyo ng market economy at pantay na kompetisyon para maipagkaloob ang bukas, pantay at walang diskriminasyong kapaligiran ng pamumuhunan at operasyon ng mga bahay-kalakal ng iba’t-ibang bansa sa Amerika.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio