Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi sa bagong pangulo ng Cyprus

2023-03-01 15:14:03  CRI
Share with:

Sa mensaheng pambati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Miyerkules, Marso 1, 2023 kay Nikos Christodoulides, sa panunungkulan niya bilang bagong pangulo ng Cyprus, tinukoy ng pangulong Tsino, na sa kasalukuyan, nananatili sa mataas na antas ang pag-unlad ng estratehikong partnership ng Tsina at Cyprus.


Tumitibay ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, tuluy-tuloy na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, at humihigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan, ani Xi.


Napakahalaga aniya ang pag-unlad ng relasyong Sino-Cyprus, at nakahanda siyang magpunyagi, kasama ni Pangulong Christodoulides, upang matamo ng estratehikong partnership ng dalawang bansa ang mas maraming bunga, at mas mainam na ihatid ang benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.


Salin: Vera

Pulido: Rhio