Ika-40 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina’t Côte d'Ivoire, ipinagdiriwang: mensaheng pambati, ipinadala sa isa’t isa

2023-03-02 15:15:14  CMG
Share with:

 

Ipinadala ngayong araw, Marso 2, 2023 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Alassane Dramane Ouattara ng Côte d'Ivoire ang mensaheng pambati sa isa’t-isa kaugnay ng ika-40 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Tinukoy ni Xi, na sapul nang maitatag ang nasabing relasyong diplomatiko, 40 taon na ang nakalipas, nananatiling magkaibigan ang dalawang panig at mahalagang magka-partner sa landas ng pag-unlad.

 

Aniya pa, kasama ni Pangulong Ouattara, nakahanda siyang magsikap para mapalakas ang komprehensibong kooperasyon at mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.

 

Pinasalamatan naman ni Ouattara ang palagiang pagtulong ng Tsina sa konstruksyon ng imprastruktura at enerhiya ng kanyang bansa.

 

Kasama ng Tsina, nakahanda aniya ang Côte d'Ivoire na palakasin ang kooperasyon at pasulungin ang mas masaganang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio