Pananaw ni Xi sa yamang kultural ng Tsina: Episode 9 - Pangangalaga sa Wanshouyan

2023-03-02 10:39:57  CMG
Share with:


Ang Wanshouyan, isang malaking kuweba na matatagpuan sa gulod ng bundok sa labas ng Lunsod Sanming, lalawigang Fujian sa gawing timog silangan ng Tsina, ay mahalagang archaeological site, kung saan namuhay ang mga sinaunang tao mahigit 180 libong taon na nakaraan.


Sa kanyang panunungkulan bilang lokal na opisyal ng Fujian noong 1990s, pinamunuan ni Xi Jinping ang proyekto ng pangangalaga sa lugar na ito, para iwasan ang pagkasirang dulot ng pagmimina.


Editor: Liu Kai