Tsina, nananatiling tagapagtatag ng kapayapaan, tagapagbigay ng kaunlaran, at tagapagtanggol ng kaayusang pandaigdig

2023-03-05 10:50:35  CRI
Share with:

Sa ulat pampamahalaan, Marso 5, 2023 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC), ipinagdiinan niya na matatag na iginigiit ng Tsina ang independiyente’t mapayapang patakarang diplomatiko, pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, mapagkaibigang pakikipagkooperasyon sa iba’t-ibang bansa, at estratehiya ng pagbubukas na may mutuwal na kapakinabangan.


Layon aniya ng mga ito na ipagpatuloy ang papel ng Tsina sa pagiging tagapagtatag ng kapayapaan, tagapagbigay ng kaunlaran, at tagapagtanggol ng kaayusang pandaigdig.


Salin: Lito

Pulido: Rhio