Tsina, magtatampok sa paglaki ng kabuhayan at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan

2023-03-06 15:03:55  CMG
Share with:

Habang magkahiwalay na lumahok sa mga group deliberation ng unang sesyon ng ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), pawang ipinahayag ng mga mataas na lider ng Tsina ang pagkakahalaga sa paglaki ng kabuhayan, pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at pagpapahigpit ng sistema ng pagsusuperbisa.


Ang naturang mga mataas na lider ay kinabibilangan nina Li Qiang, Zhao Leji, Wang Huning at Li Xi, mga miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangalawang Premyer Han Zheng ng Tsina.


Idiniin ni Li Qiang na dapat mapanatili ang paglaki ng kabuhayan, sapat na pagkakataon ng trabaho at matatag na presyo ng mga paninda para komprehensibong pabutihin ang kalagayan ng pagtakbo ng kabuhayan.


Hinimok din niya ang pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas.


Tinukoy ni Zhao Leji na bilang bahagi ng organo ng pambansang kapangyarihan, dapat matapat na kumatawan ang mga deputado ng NPC sa kapakanan at kagustuhan ng mga mamamayang Tsino at lumahok sa pagtakbo ng pambansang kapangyarihan batay sa batas.


Hinimok ni Wang Huning na panatilihin at palawakin ang mga natamong bunga sa pagpawi ng kahirapan. Ito rin aniya ay bahagi ng pagpapasulong ng pagyabong ng kanayunan.


Kapwa ipinawagan nina Wang at Han Zheng ang aktuwal na pangangalaga at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.


Sinabi ni Han na dapat igiit ang prinsipyo ng pag-unlad na ang nukleo ay mga mamamayan at aktuwal na pasulungin ang magkasamang pagyaman.


Bukod dito, sinabi ni Li Xi na dapat pabutihin ng mga organo ng disiplina at pagsusuperbisa ang modernisasyon ng sistema at kakayahan ng pangangasiwa ng bansa para ipagkaloob ang matibay na paggarantiya sa pagpapasulong ng modernisasyong Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil