Tanong: kung nakikita ninyo ang pag-aaway ng dalawang tao sa sandalling ito, bibigyan mo ba sila ng punyal o hihimukin silang huwag na mag-away upang alamin ang sanhi ng away at tutulungan silang lutasin ang kanilang problema?
Sa tingin ko, maaaring gumawa ng tamang pagpili ang lahat ng rasyonal na tao.
Ang kasalukuyang taon ay unang anibersaryo ng pagsiklab ng sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine.
Noong isang taon, ang krisis na ito ay hindi lamang nagdala ng malawak at malalim na epekto sa pambansang kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan ng Rusya at Ukraine kundi, nakakasira pa sa katiwasayan at katatagan ng Europa.
Nitong mahabang panahong nakalipas, ginagamit ng Amerika ang media, puwersang militar, at dolyare upang mapanatili ang hegemonya nito sa daigdig.
Bilang halimbawa ng sagupaan ng Rusya at Ukraine, ginamit muna ng ilang politikong Amerikano ang media para malawakang palakihin ang umano’y “banta ng Rusya” at sulsulan ang paglaban ng Europa sa Rusya; pagkatapos nito, nagsimulang bigyan ng Amerika ng mga sandata ang Ukraine at ilunsad kasama ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Ukraine ang “proxy war” laban sa Rusya para mapahina ang puwersa ng Rusya; sa bandang huli, ginamit ng Amerika ang dolyare para kunin ang kapakanan sa buong mundo at ilipat ang krisis nito sa loob ng bansa.
Maalam na maalam ang Amerika tungkol dito.
Ngayon, nagtatangka ang Amerika na gayahin ang paglilinlang na ito sa rehiyong Asya-Pasipiko at dalhin ang “punyal” sa ilang bansa sa rehiyong ito.
Nitong ilang araw na nakalipas, madalas na dumadalaw ang mga opisyal ng Amerika at NATO sa rehiyong Asya-Pasipiko at nagsasalita ng umano’y “banta ng Tsina.”
Sa Pilipinas, nakuha ng Amerika ang kapangyarihan ng paggamit ng apat pang baseng militar.
Ayon sa media, posibleng matagpuan ang dalawa sa isla ng Luzon sa kahilagaan at probinsyang Palawan sa dakong timog-kanluran ng Pilipinas.
Kitang-kita na ang tunay na tangka ng Amerika na gamitin ang mahalagang katayuang estratehiko ng Pilipinas ay upang guluhin ang South China Sea at Taiwan Straits at paglingkuran ang sariling kapakanan sa halip na tulungan ang Pilipinas.
Ano ang dadalhin ng paggamit ng Amerika ng baseng militar sa Pilipinas, para ba sa Pilipinas mismo, Tsina, rehiyon, at buong daigdig?
Para sa Pilipinas, ang pagpapalawak ng Amerika ng presensyang militar sa Pilipinas ay hindi makakatulong sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan, pagpapataas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan, at paglutas sa serye ng problemang panlipunang gaya ng mataas na implasyon sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, ang Amerika ay may pinakamaraming baseng militar sa ibayong dagat sa buong mundo kung saan, lumilitaw ang mga iskandalo taun-taon.
Bukod pa riyan, ibinubunsod nito ang mga krimeng tulad ng prostitusyon, paggahasa, at droga sa lokalidad.
Kaugnay nito, pinagdudahan ni Imme Marcos, Senador ng Pilipinas, ang pagkuha ng Amerika ng mas malaking military access sa Pilipinas.
Aniya, ang layon ng Amerika ay palakasin ang depensa sa Taiwan sa halip na Pilipinas.
Samantala, nagrali at nagdemonstrasyon ang mga mamamayang Pilipino upang tutulan ang pagpapalawak ng presensyang militar ng Amerika sa rehiyong ito.
Para sa Tsina naman, ang isyu ng Taiwan ay pinakanukleong isyu ng Tsina na may kaugnayan sa damdamin ng buong Nasyong Tsino.
Palagiang nananatiling unang pagpili ang mapayapang porma ng Chinese mainland sa paglutas sa isyu ng Taiwan, ngunit hindi mapagkailanma’y ipinangakong itakwil ang paggamit ng dahas.
Ang walang patid na pagpapalakas ng Amerika ng pagdedeploy ng militar sa rehiyong Asya-Pasipiko ay nakakapagpalala sa maigting na situwasyong panrehiyon at nakakasira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Bilang dalawang magkapitbahayan na may mahigit isang libong taong kasaysayang pangkaibigan, ang paggamit ng Amerika ng baseng militar sa Pilipinas ay hindi lamang nakakasira sa damdamin ng mga mamamayang Tsino’t Pilipino kundi, hindi ito angkop sa patakarang diplomatiko ng kasalukuyang pamahalaang Pilipino na “Friend to all, enemy to none.”
Sa wakas, ang walang patid na pagpapalakas ng Amerika ng presensyang militar sa rehiyong Asya-Pasipiko ay nakakapagbigay ng napakalaking banta sa seguridad at katatagan sa rehiyon at buong daigdig.
Tumagal na ng isang taon ang sagupaan ng Rusya at Ukraine na nakaka-apekto hindi lang sa Europa, kundi maging sa buong mundo.
Makaraang guluhin ng Amerika ang Europa, nais pa nitong guluhin ang Asya.
Noong Pebrero 23, 2023, ipinatalastas ng Malakanyang na sa kasalukuyang buwan, iluluwas sa Tsina ang unang pangkat na 7,500 toneladang durian.
Ito ang isa sa mga natamong bunga ng unang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Tsina noong nagdaang Enero.
Sa isang kaukulang artikulong inilabas ng “Manila Bulletin,” sinabi nitong ang pagluluwas ng mga durian ng Pilipinas sa Tsina ay makakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayang Pilipino, at ibayo pang mapapasigla ang potensyal ng pag-unlad ng durian industry ng bansa.
Ang paglahok sa grupo ng pakikipaglaban sa Tsina at pagsisira sa relasyong Sino-Pilipino o pagpapalalim ng pakikipagkooperasyon sa Tsina para sa pagsasakatuparan ng komong kaunlaran, alin ang mas paborable sa kinabukasan ng Pilipinas at Tsina?
Malinaw ang sagot.
Ulat / Salin: Lito
Pulido: Ramil