Tsina: ang inaasahang target ng paglaki ng GDP sa 2023 ay angkop sa tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan

2023-03-07 14:15:42  CMG
Share with:

 

Sinabi Lunes, Marso 6, 2023 ni Zhao Chenxin, Pangalawang Tagapangulo ng National Development and Reform Commission (NDRC) ng Tsina, na ang 5% na target ng paglaki ng kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng bansa sa taong 2023 ay angkop sa tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan. Ito rin aniya ay makakabuti sa de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan at pagtatatag ng bagong estruktura ng pag-unlad.

 

Ipinahayag ni Zhao na bilang isang umuunlad na bansa, ang pag-unlad ay unang tungkulin ng Tsina. Kaya dapat aniyang panatilihin ang makatwiran at pangmatagalang paglaki ng kabuhayan sa pundasyon ng pagpapataas ng kalidad at episyensya ng pag-unlad.

 

Dagdag pa ni Zhao na ang pananatili ng paglaki ng kabuhayan ay makakatulong din sa mga mahalagang gawain na gaya ng pagpapalawak ng pagkakataon ng trabaho, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at pagpigil at paglutas sa mga hamon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil