Sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa pagsusuri sa isyu ng South Sudan, ipinahayag Lunes, Marso 6, 2023 ni Dai Bing, charge d'affaires ng pirmihang delegasyong Tsino sa UN, na dapat agarang alisin ng UNSC ang mga sangsyon sa South Sudan.
Sinabi ni Dai na dumarami kamakailan ang bilang ng mga marahas na aksyon sa bansang ito at ikinababahala ng komunidad ng daigdig ang kalagayan ng seguridad at humanitarian sa lokalidad.
Nanawagan aniya sa iba’t ibang may kinalamang panig na agarang itigil ang mga ostilong aksyon para malutas ang mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at talastasan.
Saad ni Dai na ang seguridad ng South Sudan ay dapat pangalagaan ng pamahalaan ng bansa at ang mga sangsyon ng UNSC sa bansang ito ay nagpapalimita sa kakayahan ng pamahalaan ng South Sudan sa pangangalaga sa kaligtasan ng mga mamamayan.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil