Kalakalang panlabas ng Tsina, matatag

2023-03-08 14:13:25  CMG
Share with:

 

Inihayag, Martes, Marso 7, 2023 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, na nasa 6.18 trilyong yuan Renminbi ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng bansa noong Enero at Pebrero ng taong ito.

 

Ito ay 0.8% mas mababa kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022, dagdag ng tanggapan.

 

Kabilang dito, ang halaga ng pagluluwas ng Tsina ay nasa 3.5 trilyong yuan Renminbi, na lumaki ng 0.9% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon, samantalang ang pag-aangkat naman ay umabot sa 2.68 trilyong yuan Renminbi, na bumaba ng 2.9% kumpara sa gayunding panahon ng 2022.

 

Sa kabilang dako, ang halaga ng trade surplus ng bansa ay mahigit 810.3 bilyong yuan Renminbi, na lumaki ng 16.2% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Ang ASEAN ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng Tsina at ang halaga ng kalakalan ng dalawang panig ay nasa mahigit 951.9 bilyong yuan Renminbi – 9.6% mas malaki kaysa sa parehong panahon ng 2022.

 

Samantala, ang kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road ay mahigit 2.1 trilyong yuan Renminbi, na lumaki ng 10.1% kumpara sa gayunding panahon ng 2022.

 

Ang kalakalan naman ng Tsina at iba pang kasaping bansa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay lumaki rin ng 3.1% kumpara sa gayunding panahon ng nakaraang taon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio