Sa panayam sa Ministers’ Corridor, sa sidelines ng unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, Marso 7, 2023 sa Beijing, inihayag ni Luo Wen, Puno ng State Administration for Market Regulation ng Tsina (SAMR), na patuloy na pabubutihin ang kapaligirang pang-negosyo ng bansa upang magkaroon ng patas na kompetisyon.
Aniya, ang patas na kompetisyon ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapasigla ng lahat ng uri ng entidad sa merkado.
Dahil sa kahilingan ng de-kalidad na pag-unlad sa Tsina, kailangang-kailangan ang patas na kompetisyon, dagdag ni Luo.
Sa taong ito, tututukan aniya ang mga sumusunod:
Una, pagpapabuti ng sistemang pambatas para maigarantiya ang patas na kompetisyon;
Ikalawa, pagpapahigpit ng superbisyon;
Ikatlo, pag-aalis ng lokal na proteksyonismo at monopolyong administratibo;
Ikaapat, paglikha ng mabuting atmospera para sa patas na kompetisyon.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio