Aktuwal na aksyon, ginawa ng Tsina sa pagpapalakas ng seguridad sa mga pasilidad-nuklear sa Ukraine

2023-03-09 15:16:27  CMG
Share with:

 

Ipinahayag Miyerkules, Marso 8, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na aktuwal na aksyon ang ginawa ng panig Tsino para suportahan ang pagsisikap ng International Atomic Energy Agency (IAEA) sa pagpapalakas ng seguridad sa mga pasilidad-nuklear sa Ukraine.

 

Nauna rito, ipinatalastas ni Li Song, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN) at mga Pandaigdigang Organisasyon sa Vienna, na ibibigay ng Tsina ang 200 libong Euro para palakasin ang seguridad sa mga pasilidad-nuklear sa Ukraine.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Mao, na sa dokumento ng paninindigang Tsino hinggil sa pulitikal na paglutas sa krisis ng Ukraine, maliwanag na tinututulan ng pamahalang Tsino ang pag-atake sa mapayapang pasilidad-nuklear at pagkatig sa konstruktibong papel ng IAEA sa pagpapasulong ng seguridad sa naturang mga pasilidad.

 

Ang nasabing pondo aniya ay isang aktuwal na aksyong isinagawa ng Tsina para katigan ang pagsisikap ng IAEA tungo sa pagpapalakas ng seguridad sa mga pasilidad-nuklear sa Ukraine, saad niya.

 

Kasama ng komunidad ng daigdig, patuloy aniyang pasusulungin ng Tsina ang pagtatatag ng pandaigdigang sistema ng seguridad-nuklear, na pantay, kooperatibo at may mutuwal na kapakinabangan.

 

Dagdag pa ni Mao, patuloy na pasusulungin ng Tsina ang paglutas sa krisis ng Ukraine sa paraang pulitikal para bunutin ang ugat ng hamong nuklear sa bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio