Tsina, mahalagang economic partner ng Malaysiya – Anwar Ibrahim

2023-03-09 15:18:19  CMG
Share with:

Marso 8, 2023, Kuala Lumpur – Ipinahayag ni Punong Ministro Anwar Ibrahim ng Malaysiya, na ang Tsina ay masusing puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang panrehiyon, at mahalagang economic partner ng kanyang bansa.

 

Aniya, kinakaharap pa rin ngayong taon ng kabuhayang pandaigdig ang mga hamong gaya ng implasyon, at mabagal na pag-unlad ng kabuhayan.

 

Kaugnay nito, ang Tsina ay mahalagang puwersang tagpagpasulong sa kabuhayan, saad niya.

 

Ayon sa datos na inilabas nang araw ring iyon ng Malaysian Investment Development Authority (MIDA), inaprubahan ng bansa noong 2022 ang 163.3 bilyong Malaysian Ringgit (halos 36.8 biylong dolyares) na Foreign Direct Investment (FDI).

 

Samantla, ang bolyum ng puhunang Tsino sa Malaysiya ay katumbas ng 33.9% ng kabuuang bolyum ng FDI sa bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio