Ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Espanya, ipinagdiriwang: mensaheng pambati, ipinadala sa isa’t-isa

2023-03-09 14:18:17  CMG
Share with:

 

Ipinadala ngayong araw, Marso 9, 2023 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Haring Felipe VI ng Espanya ang mensahe sa isa’t-isa bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Tinukoy ni Xi na sapul nang itatag ang nasabing relasyon, patuloy na lumalalim ang pagkakabigan at kooperasyon ng dalawang panig.

 

Ito aniya ay nagdulot ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng Tsina at Espanya.

 

Kasama ni Haring Felipe VI, sinabi ni Xi, na handa siyang magsikap upang patatagin ang pagtitiwalaang pulitikal, palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at palalimin ang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag naman ni Haring Felipe VI na noong nakaraang 50 taon, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Espanya at Tsina, nananatiling matatag ang pag-unlad ng bilateral na relasyon at koopersyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Naniniwala aniya siyang sasamantalahin ng dalawang bansa ang naturang anibersaryo para komprehensibong palawakin ang aktuwal na kooperasyon at mapagkaibigang pagpapalagayan, at magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamong gaya ng pagbabago ng klima.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio