Sa buong pagkakaisa, naihalal si Xi Jinping bilang pangulo ng estado at tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina, sa ikatlong sesyong plenaryo ng unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) na idinaos ngayong umaga, Marso 10, 2023, sa Great Hall of the People sa Beijing.
Pagkatapos nito, nangako si Xi ng katapatan sa Konstitusyon ng Tsina.
Samantala, sa naturang sesyong plenaryo, naihalal naman si Zhao Leji bilang tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Ika-14 na NPC, at si Han Zheng bilang pangalawang pangulo ng Tsina.
Naihalal din ang 14 na pangalawang tagapangulo at isang pangkalahatang kalihim ng Pirmihang Lupon ng Ika-14 na NPC.
Nangako rin ng katapatan sa Konstitusyon ang nasabing mga bagong halal na lider.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos